Friday, July 27, 2007

STRANDED

Hindi gumuagalaw ang daloy ng trapiko.
Umalis ang pasahero.
Malakas ang ulan, Sumigaw ang Kulog, Nagalit ang Langit.
Dapat ba maghintay sa pasahero na umalis
Ng walang paalam, ng walang bayad, ng walang pasabi.
Balewalain ang hirap na baybayin ang kalsada ng Cubao.
Pula, dilaw, berde.
Nagkikilos ang stoplight.
Alin ang susundin?
Hintayin, Mag-abang o tuluyan lumisan?
May dadating, may maghinhintay at may aalis.
Alin ka doon?

No comments: